Nasamsam ng Central Luzon police ang mahigit ₱800,000 halaga ng iligal na droga sa dalawang magkahiwalay na buy-bust operation, ayon sa ulat nitong Lunes.

Nagsagawa ng drug operation ang mga awtoridad sa Guiguinto, Bulacan noong Setyembre 23 na ikinaaresto ng dalawang indibidwal. Nakumpiska sa mga suspek ang 3,700 gramo ng pinaghihinalaang marijuana na may halagang ₱444,000.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Samantala, nagsagawa rin ng operasyon ang mga awtoridad sa Angeles ity na nagresulta sa pagkakaaresto na kilala bilang “Tol,” na kinokonsiderang high-value targer sa rehiyon.

Sa naturang operasyon, nadakip ang suspek at nasamsam ang 55 gramo ng umano’y shabu na may tinatayang ₱374,000 na halaga.

Ang mga naaresto ay nasa kustodiya ng pulisya at mahaharap sa kasong may kaugnayan sa iligal na droga.