Ito na ang sign para tumaya sa Grand Lotto 6/55 at Lotto 6/42 dahil milyon-milyong jackpot prizes ang naghihintay sa mga manananaya, ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

May be an image of 1 person and text that says 'JACKPOT ESTIMATES SATURDAY, SEPTEMBER 23, 2023 GRAND 29.7 MILLION 18+ 6/42 LOTTO 5.9 NATIONALLOTTERY NATIONAL LOTTERY MILLION'

Sa jackpot estimates ng ahensya, papalo sa P29.7 milyon ang premyo ng Grand Lotto habang nasa P5.9 milyon naman ang premyo ng regular Lotto 6/42.

Pasigueño wagi sa Lotto 6/42

Hinihikayat ng PCSO ang mga lotto bettor na sumugod na sa pinakamalapit na lotto outlet at tayaan ang paboritong numero. Dagdag pa nito, sa halagang ₱20 ay puwede nang maging instant milyonaryo.

Noong Huwebes, Setyembre 21, masuwerteng naiuwi ng isang Pasigueño ang P21,966,450.20 jackpot prize ng Lotto 6/42.

Maki-Balita: Pasigueño wagi sa Lotto 6/42