Masuwerteng naiuwi ng isang Pasigueño ang milyon-milyong jackpot prize ng Lotto 6/42 na binola nitong Huwebes ng gabi, Setyembre 21, ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Sa ulat ng PCSO, matagumpay na nahulaan ng lucky winner ang winning numbers na 25-10-14-17-19-42 at may tumataginting na P21,966,450.20.

Eleksyon

Camille Villar, tinugon kritisismo laban sa nanay niyang senador; tinulungang mag-improve ang buhay ng mga magsasaka

Dagdag pa ng ahensya nabilis ang winning ticket sa Ortigas Ave. Ext., Sta. Lucia, Pasig City,

Upang makubra ang kanyang premyo, kinakailangan lamang ng lucky winner na magtungo sa punong tanggapan ng PCSO sa Mandaluyong City at iprisinta ang kanyang lotto ticket at dalawang balidong IDs.

Nagpaalala naman ang PCSO na ang lahat ng premyong lampas sa P10,000 ay sasailalim sa 20% buwis, alinsunod sa TRAIN Law.

Ang lahat naman ng premyong hindi makukubra sa loob ng isang taon, buhat sa petsa nang pagbola dito, ay otomatikong mapo-forfeit at mapupunta sa Charity Funds ng PCSO.

Kaugnay nito, muli namang hinikayat ni PCSO Vice Chairperson at General Manager Melquiades ‘Mel’ Robles ang publiko na patuloy na tangkilikin ang mga palaro ng PCSO upang magkaroon na ng pagkakataong maging susunod na milyonaryo at makatulong pa sa kawanggawa.

May be an image of text that says 'PHILIPPINE CHARITY SWEEPSTAKES OFFICE ONGRATULATIONS! 6/42 LOTTO NATIONAL LOTTERY JACKPOT WINNER Thursday, September 21, 2023 25 10 14 17 19 42 WINNING COMBINATION Php21, Php21,966,450.20 JACKPOT PRIZE One (1) Winning Ticket was bought in Ortigas Ave. Ext.. Sta. Lucia, Pasig *Prizes subject 20% pursuant TRAIN Law. winnings should claimed fror date otherwise the same would /pcsoofficialsocialmedia 18+ /PCSO GOV forfeited form the Charity Fund. www.pcso.gov.ph'