Sumugod pa rin ang mga tauhan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office-12 sa mga binahang lugar sa Maguindanao del Sur upang mamahagi ng tulong nitong Biyernes.

Sa Facebook post ng ahensya, hindi na nag-alinlangan ang kanilang disaster team matapos lumusong sa baha upang maihatid lamang ang mga relief goods sa naapektuhang 2,641 pamilya sa Guindulongan.

Nitong Setyembre 22, nakaranas ng matinding pag-ulan ang nasabing lalawigan dahil na rin sa sama ng panahon na nagresulta sa malawakang pagbaha.

Nangako rin ang DSWD na patuloy nilang tinutulungan ang mga apektado pamilya hangga't hindi pa sila nakababangon sa epekto ng kalamidad.
Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol