National

De Lima, hinamon si Roque na sumuko: 'Hindi 'yung nagtatapangan lang siya!'

Nagwagi ang Gilas Pilipinas laban sa Korean Basketball League (KBL) team Changwon LG, 86-81, sa tune-up game sa Philsports Arena sa Pasig nitong Biyernes.

Pinangunahan ni Justin Brownlee ang National team nang kumubra ng 19 points at limang rebounds habang kumolekta naman si June Mar Fajardo 16 points.

Sumuporta sa kanila sina Calvin Oftana, naka-13 points at 11 rebounds at Scottie Thompson na nakakuha ng 11 points, apat na rebounds at apat na assists.

Nagtala naman ng siyam na puntos at walong puntos sina Arvin Tolentino at CJ Perez, ayon sa pagkakasunod.

Naasahan ng Gilas sina Brownlee, Thompson at Tolentino sa huling bahagi ng fourth quarter upang tuluyang maui ang panalo.

Sa panig naman ng Changwon LG, nakapagtala si Dante Cunningham ng 18 points at walong rebounds, habang si Assem Marei ay nagbaon ng 13 points at walong rebounds.

Sa Linggo, inaasahang aalis ng bansa ang Gilas Pilipinas patungong Hangzhou, China kung saan sasabak sa Asian Games, simula Setyembre 23 hanggang Oktubre 8.

Nakatakdang sagupain ng Gilas ang Bahrain, Thailand at Jordan.