Niyanig ng magnitude 4.2 na lindol ang probinsya ng Surigao del Norte nitong Huwebes ng hapon, Setyembre 21, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 4:22 ng hapon.

Namataan ang epicenter nito 38 kilometro ang layo sa hilagang-silangan ng Burgos, Surigao Del Norte, na may lalim na 12 kilometro.

Naitala ang Instrumental Intensity I sa City of Surigao, Surigao del Norte at Hinunangan, Southern Leyte. 

National

HS Romualdez, kung bakit walang tumanggap ng impeachment complaint laban kay PBBM: 'Nasa seminar sila'

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.

Hindi rin umano inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.