₱12.259B housing aid para sa ISFs, calamity victims aprub na sa DBM
Inaprubahan na ng Department of Budget and Management (DBM) ang pagpapalabas ng ₱12.259 bilyon sa National Housing Authority (NHA) upang matulungan ang mga informal settler family (ISF) at biktima ng kalamidad.
Kasama sa nasabing pondo ang ₱12.059 bilyong housing assistance sa mga calamity victim at kabayaran ng resettlement ng ISFs sa Western Visayas.
Nasa ₱200 milyon naman ang nakalaan sa pagpapatayo ng apat na unit ng five-storey, low-rise residential buildings sa Western Visayas para sa resettlement ng mga informal settler.
Sinabi naman ni DBM Secretary Amenah Pangandaman, ang pagpapalabas ng budget ay alinsunod sa pangako ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na mabigyan ng disenteng pabahay ang mahihirap.
PNA