Itinigil muna ng Provincial Government of Cagayan ang pamamahagi ng tulong pinansyal matapos tapyasan ng ₱102 milyon ang pondo ng Office of the Governor mula sa ipinasang 2023 Annual Budget.

Ayon kay Cagayan Governor Manuel Mamba, si Vice Governor Melvin Vargas, Jr. at ang Sangguniang Panlalawigan ang nasa likod ng pagtapyas ng pondo na makaaapekto sa serbisyong panlipunan at iba pang programa ng tanggapan ng gobernador.

Maaapektuhan ng tapyas-pondo ang pamamahagi ng medical assistance, financial at burial assistance at iba pang serbisyo ng pamahalaang panlalawigan.

Probinsya

72-anyos, pinalo ng dumbbell sa ulo ng kaniyang misis na may mental disorder

Paliwanag ni Mamba, ang desisyon ni Vargas at ng provincial board ay kasunod na rin ng pa-override ng mga ito sa line-item veto ng gobernador.

Kaugnay nito, humingi na ng paumanhin ang gobernador sa mamamayan ng lalawigan.