Ibinunyag ng Kapuso hunk actor na si Ruru Madrid ang koneksyon niya kay Kapamilya star at Ultimate Heartthrob Piolo Pascual sa panayam sa kaniya sa "Fast Talk with Boy Abunda," Martes, Setyembre 19.

Aniya, ang tatay niya at si Piolo ay magkaibigan. Si Papa P raw ay ninong niya!

"My dad and si Piolo talagang magkaibigan po sila, so parang 'Oh, inaanak mo 'yong anak ko ah'," ani Ruru.

Nang magkita nga raw sila ng anak nitong si Iñigo Pascual sa isang pagtitipon ay naungkat ang tungkol sa pagiging inaanak ni Piolo kay Ruru.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

"Si Iñigo, sabi niya, 'Bro alam mo ba na inaanak ka ni Papa?' Sabi ko, 'Oo bro alam mo, ever since alam ko 'yan'."

"Tapos parang natuwa ako na alam 'yon ni Mr. Piolo Pascual."

Pero in fairness, dahil parang nakainom ng tubig sa "fountain of youth" si Papa P, hindi halatang ninong na pala ni Ruru ito. Para lang kasi silang mag-kuya.

Anyway, may upcoming movie si Ruru na "Video City" katambal ang nagbabalik-Kapusong si Yassi Pressman, at sila rin ang magkatambal sa upcoming seryeng "Black Rider" na sa Oktubre na raw mapapanood.

&t=113s