Sinabi ni showbiz-columnist Cristy Fermin sa kaniyang YouTube Channel na “Showbiz Now Na!” nitong Martes, Setyembre 19, na wala umanong makakatapat kay Coco Martin sa telebisyon.

Tila ang bagong teleserye nina Barbie Forteza at David Licauco na “Maging Sino Ka Man” ang pinapatamaan ni‘ Cristy sa nasabing programa.

“Panahon po ngayon ni Coco Martin. Anoman po ang itapat sa kaniya talaga e publiko po ang humuhusga. Sabi nga nila, maging sino ka man, ‘pag tinatapatan mo ang Coco Martin, siguradong talo ka,” pahayag ni Cristy.

Dagdag pa ng co-host niyang si Romel Chika, bagama’t viral umano ang “Maging Sino Ka Man”, number one umano ang “FPJ’s Batang Quiapo”.

‘Immortal love?’ Enrile at misis nagdiwang ng 67th wedding anniversary

Kaya mas mabuting tanggapin na lang umano ang katotohanang si Coco Martin talaga ang inaabangan ng publiko sa kasalukuyan. Lalo pa’t makakatambal nito si Ivana Alawi na ayon kay Cristy Fermin ay bahagi umano ng basang panaginip ng kalalakihan; na maglaba lang umano nang nakabukaka ay humahakot na ng milyong-milyong views.

Matatandaang sa trailer ng bagong yugto ng “FPJ’s Batang Quiapo” ay ipinasilip ang nagbabagang eksena nina Coco at Ivana sa loob ng selda.

MAKI-BALITA: Coco hinigop si Ivana 

Kamakailan lamang ay ipinakita naman ng GMA Network ang "behind-the scenes" video ng paghahanda ni Barbie Forteza sa isang eksena na inokray naman ng ilang netizens.

MAKI-BALITA: GMA bumarda sa negatron ng bashers; Barbie, basa talaga

&pp=ygUOc2hvd2JpeiBub3cgbmE%3D