Inanunsiyo ng Light Rail Manila Corporation (LRMC), na siyang private operator ng Light Rail Transit Line 1 (LRT-1), na pagsasagawa ng rail replacement activities sa reversing o turnback area ng kanilang Baclaran Station, bilang bahagi na rin umano ng kanilang nagpapatuloy na railway upgrade program.

Sa abiso ng LRMC nitong Miyerkules, nabatid na ang naturang aktibidad ay sinimulan na nitong Setyembre 20 at magtatagal hanggang sa Setyembre 24.

Probinsya

Asawa ng mastermind sa pagpatay sa mag-asawang online seller, nagpadala raw ng lechon bago ang krimen?

“Heads up, mga ka-riles! Magkakaroon ng pagpapalit ng tracks sa bahagi ng #LRT1 Baclaran Station (reversing o turnback area ng nga tren) bilang bahagi pa rin ng tuloy-tuloy na pagsasaayos ng LRMC para sa MAS LIGTAS at MAAASAHANG SISTEMA ng LRT-1,” anunsiyo pa ng LRMC.

Ayon sa LRMC, upang makumpleto ang kinakailangang engineering works ng episyente at ligtas ay isasarado nila ang bahagi ng Baclaran reversing tracks na magreresulta umano sa ilang limitasyon sa galaw ng mga tren, gayundin sa train deployment, at paggamit ng station platforms para sa mga loading at unloading passengers.

Dagdag pa ng LRMC, inaasahan na rin nilang magkakaroon ito ng impact sa train timetable ng LRT-1, gayundin sa headway, o yaong time interval sa pagitan nang dalawang magkasunod na tren, na mas tatagal at magiging limang minuto mula sa kasalukuyang apat na minuto lamang.

“Dahil sa mga nabanggit na pagsasaayos simula ngayong araw (Setyembre 20) hanggang Setyembre 24, inaasahan na magkakaroon ng epekto sa mga sumusunod: pagdedeploy o bilang ng mga tren, limitadong paggalaw ng mga tren, limitadong paggamit ng station platforms sa Baclaran Station para sa pababa at pasakay na mga pasahero,” anito pa.

“Dahil dito, ang headway (o tagal ng pagdating ng tren mula sa isang istasyon patungo sa susunod) ay magiging 5 minuto mula sa kasalukuyang 4 minuto,” dagdag pa nito.

“Pinapayuhan ang ating mga minamahal na pasahero na planuhin nang mas maaga ang kanilang biyahe sa mga nasabing araw. Maraming salamat po sa inyong pagunawa at kooperasyon.”

“As the LRT-1 system continues to cater to our growing ridership, LRMC commits to providing a safe and reliable transportation system. We would like to ask for the kind understanding of our commuters and apologize in advance for the temporary inconvenience as we conduct these rail renewal activities needed for improved LRT-1 experience. We also continue with the deployment of our new 4th Generation trains to carry more passengers, with five train sets already in commercial service,” ayon naman kay LRMC Chief Operating Officer Rolando J. Paulino III, sa isang pahayag.

Inaasahan naman ng LRMC na mababalik sa normal ang operasyon ng LRT-1 sa Lunes, Setyembre 25.