Tumanggap na rin ng financial assistance ang mga micro rice retailer sa Mindoro, Marinduque, Romblon, at Palawan (MIMAROPA) na naapektuhan ng mandated price ceiling sa bigas nitong Miyerkules.

Aabot sa 110 rice retailer sa nasabing rehiyon ang nakinabang sa nasabing tulong ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) alinsunod na rin sa Sustainable Livelihood Program ng ahensya.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Nakatanggap ng tig-₱15,000 ayuda ang mga nasabing benepisyaryo ng programa.

Ang pamamahagi ng tulong ay batay na rin sa kautusan ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. kasunod na rin ng pagpalabas nito ng Executive Order 39 na nagtatakda ng presyo ng bigas para na rin sa kapakanan ng mga mamimili.

Nasa ₱41 ang itinakdang presyo ng kada kilo ng regular milled rice habang ipinako naman sa ₱45 bawat kilo ng well-milled rice.