Pinayuhan ng mga dating Sexbomb Girls member na sina Aira Bermuez at Sugar Mercado si Izzy Trazona-Aragon hinggil sa naging isyu nito sa kaniyang anak na si Andrei Trazon o Sofia.

Sa September 18 episode ng Fast Talk with Boy Abunda, kinamusta sila ng TV host tungkol sa naging takbo ng kanilang buhay sa labas ng entablado bilang Sexbomb girls.

Sexbomb Izzy Trazona, hindi tanggap ang pagiging drag queen ng anak?

Dahil sa isyu na kinasangkutan ng kapwa Sexbomb dancer nilang si Izzy, itinanong sa kanila ni Abunda kung ano ang maipapayo nila sa kanilang kaibigan.

“If you were to give her a piece of advice, ano ang nais n’yong sabihin sa kaniya?” tanong ni Abunda.

“Si Izzy kumare ko ‘yan, mahal ko ‘yan. Mayroon siyang pinaninindigan at pinaniniwalaan. ‘Yung faith niya kay God kailangan natin i-respeto ‘yun at ‘yung gustong mangyari ng anak niya kailangan din natin i-respeto, ‘yun naman lagi ang itinuturo sa atin,” sagot ni Bermudez.

“Pero sana pagdating sa problema ng pamilya, ‘yung sinasabi natin lagi when it comes to social media think hard before you click. Kasi ‘yung buhay natin personal natin ‘yan, hindi naman nila gustong malaman ‘yun. Sana na lang nag-usap sila, hindi sa social media,” dagdag pa niya.

Sumunod na sumagot naman si Mercado, aniya naiintindihan niya ang kaniyang Ate Izzy.

“I-aano ko lang po ‘yung pagiging nanay ko rin, syempre kapag mahal mo kahit sino po sa atin, kung sinuman ‘yung mahal natin sa buhay lalo na’t anak mo, nandyan po ‘yung iingatan mo at gusto mo mapaganda buhay niya,” ani Mercado.

“Naiintindihan ko rin po si Ate Izzy, ang pinaglalaban naman po niya rito ‘yung Panginoon na. Wala nang kahit na sino kaya hindi ko rin siya masisisi pero agree rin po ako kay Ate Aira na sana nag-usap na lang po sila,” dagdag pa niya.

Matatandaang naging viral ang post ni Trazona dahil sa hindi nito pagtanggap sa kaniyang anak na isang drag queen.

Maki-Balita: Sexbomb Izzy Trazona, hindi tanggap ang pagiging drag queen ng anak?