Naloka ang mga tagahanga ng mag-asawang singer-songwriter Ogie Alcasid at Asia's Songbird Regine Velasquez sa sinagot ng una tungkol sa sex life nila ng misis.

Sa naganap na media conference kasi para kay Ogie, sa kaniyang “Ogieoke, The Concert” sa darating na Setyembre 29 sa Newport Performing Arts Theater kamakailan, nauntag ang singer-songwriter-TV host kung kumusta naman ang jugjugan life nila ng Songbird, na parehong busy sa ABS-CBN in fairness!

Silang mag-asawa ay halos buong linggong napapanood sa telebisyon, plus may mga concert at gigs pa silang pinagkakaabalahan. Momshie host si Regine sa "Magandang Buhay" morning talk show at siyempre, ang musical noontime show na "ASAP Natin 'To" na kamakailan ay nakapag-Milan, Italy show pa sa mga kababayang Pinoy.

Si Ogie, isa sa mga host ng "It's Showtime" na Lunes hanggang Sabado, at kapag Linggo naman, siyempre kasama niya ang misis sa ASAP. May "Kilabotitos" pa sila ni Ian Veneracion, take note, sa ibang bansa pa iyan. Lagari talaga!

Eleksyon

Chavit Singson, kakandidatong senador sa midterm elections

Pero game namang sumagot si Ogie tungkol sa "pilyong" tanong sa kaniya.

Sabi raw ng pastor nila sa kinaaanibang relihiyon, dapat daw apat na beses sa isang linggo ang pagtatalik ng mag-asawa.

Pero hindi na raw nagagawa nina Ogie at Regine dahil plakda na sila kapag nakauwi sa bahay!

"Alam mo ang sabi sa amin ng pastor namin, ito tototo ‘to ha? Sa mag-asawa, kailangan, at least, 4 times a week. Pero mahirap 'yon," sey ni Ogie.

Paliwanag niya, "Pero I guess, inemphasize lang siguro ng pastor namin na kailangan siya [pakikipagtalik] kailangan siya sa pag-aasawa."

Hindi raw nasusunod ito dahil 9PM pa lang, tulog na si Ogie. Maaga rin siyang nagigising, at kapag gising na siya, tulog pa rin si Regine dahil late naman ito matulog.

Sa kabilang banda, masaya naman ang mag-asawa dahil sa kanilang only son na si Nate.