Tila "subtle way" na pinalagan ng GMA Network ang pang-ookray ng ilang netizens hinggil sa isang eksena ni "Kapuso Primetime Princess" Barbie Forteza sa action-drama series na "Maging Sino Ka Man" matapos itong mahulog sa ilog at gumapang sa putikan.

Nahulog kasi sa ilog ang motorsiklong sinasakyan niya bilang "Monique," nang ipitin ito ng karakter na ginagampanan naman ni Jeric Raval na si "Alex." Si Alex ay tauhan ni "Gilbert" na ginagampanan naman ni Juancho Trivino, na nais ipaligpit ang karakter ni Barbie.

Sey ng ilang bashers, tila hindi naman daw basa ang buhok at katawan ni Barbie nang umahon ito mula sa ilog. Binarda pa ito ng isang Facebook page na "Baylon Ngayon."

"Waterproof yaRn? Nahulog sa ilog kasama motor. Lakas ng impact sa tubig. Pag-ahon tuyo? Taray. World-class nga," mababasa sa caption nito kalakip ang screenshot na larawan ni Barbie mula sa eksena.

National

2 taga-Laguna na parehong nanalo sa magkahiwalay na Lotto 6/42 draw, kumubra na ng premyo

Patuloy na pambabarda nito, "Kahit pa naka-helmet sya. Lakas ng impact pagbagsak nya sa tubig. Lubog na lubog sya. Ano 'yàn helmet diving sa Boracay na hindi mababasa yung ulo mo?"

"#WorldClass talaga. Tapos magtataka sila bakit d pumapatok."

"Pagdating sa mga ganito, mahirap ipagtanggol ang GMA. Dati nga yung multo naka face shield eh."

https://

Mapapansin din na tila inookray nito sa kabuuan ang bagong serye ng BarDa o tawag sa breakthrough loveteam nina Barbie Forteza at David Licauco.

Samantala, ngayong araw ng Martes, Setyembre 19, naglabas ng isang artikulo ang GMA Network na pumapaksa sa "BTS" o behind-the-scenes ng nabanggit na eksena. Makikita rin ito sa kanilang TikTok platform.

Sa nabanggit na video, makikitang tila nag-iinternalize na si Barbie sa kaniyang karakter dahil nanginginig ito at umiiyak habang binubuhusan ng tubig mula ulo hanggang katawan. Ilang lalaking crew ang nagbuhos ng tubig sa kaniya mula sa water containers.

Ibig sabihin, talagang basa si Barbie nang kunan ang nabanggit na eksena.

Samantala, marami naman ang pumuri sa ipinakitang propesyunalismo ni Barbie lalo na ang kaniyang internalization.