Pinagigiba ngayon ng Department of Environment and Natural Resources (DENR)-Region 2 ang 24 na beach resort sa Sta. Ana, Cagayan dahil umano sa kawalan ng permit.

Kabilang sa pinagigiba ang nasa 23 beach resort sa Sitio Nangaramoan, Barangay San Vicente at isa sa Brgy. Patunungan, Sta. Ana.

Probinsya

Higit 1 buwang nawawala: Mangingisda mula sa Quezon, inanod sa Batanes!

Pagdidiin ng DENR, binigyan na nila ng Notice of Violation ang mga may-ari ng beach resort dahil sa illegal occupancy.

Sa abiso ng ahensya, kinakailangang umalis ang 24 na illegal settlers at mag-self demolish na lamang.

Bibigyan lamang sila ng 10-15 araw upang sumunod sa lahat ng nakasaad sa ibinabang abiso o Notice of Violation.

Samantala, magsasagawa rin ng kaparehong pagsusuri ang DENR sa lahat ng coastal areas sa buong Cagayan upang galugarin ang mga resort na walang permit.