Sumalang sa “PEP Challenge: Social Media Raid” sina Yassi Pressman at Ruru Madrid nitong Linggo, Setyembre 17.

Simple lang ang mechanics ng challenge. Mula sa mga ipapakitang larawan o video na galing sa mga social media nina Ruru at Yassi, magbibigay sila ng impormasyon tungkol doon.

Isa sa mga ipinakita ay ang video ni Ruru sa Paris kasama ang jowang si Bianca Umali kung saan makikita sa likod ang Eiffel Tower.

Ayon kay Ruru, last day umano iyon ng kanilang teleseryeng “The Write One” na nagsimulang umere noong Marso.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Pero bukod dito, may inamin si Ruru tungkol sa naging first project nila ni Bianca as couple.

“It was very hard at first na katrabaho mo ‘yung girlfriend mo. Kasi syempre, di ba, parang galing din naman ako sa ganun dati…’Yun ‘yung gusto kong maiwasan na sometimes dun nagsisimula ‘yung mga problema. But ‘yun ‘yung pinakainiwasan namin.”

Dagdag pa ni Ruru, ayaw din talaga nila ni Bianca noong una na maging magkatrabaho dahil pareho silang galing sa love team.

“Mahirap noong una. Pero sabi ko nga, I guess, parang nangibabaw dun ‘yung tiwala din namin sa isa’t isa kung papaano kami nagtrabaho.”

Matatandaang isa-isang nilinaw kamakailan ni Ruru ang kaniyang mga isyu tungkol sa love life sa naging panayam niya sa “Fast Talk with Boy Abunda”.

MAKI-BALITA: Ruru Madrid, isa-isang nilinaw ang isyu tungkol sa kaniyang love life

Samantala, bibida naman si Ruru sa full action series na “Black Rider” kung saan niya makakatambal si Yassi. Mapapanood ang nasabing series sa GMA Network.

&pp=ygUScGVwIHR2IHJ1cnUgbWFkcmlk