Walang nanalo sa draw ng 6/58 Ultra Lotto nitong Linggo, dakong 9:00 ng gabi.

Sinabi ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), lumabas ang winning combination na 27-16-21-31-56-01 na may katumbas na jackpot na ₱72,922,751.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Sa isa pang draw para sa Super Lotto 6/49, wala ring nakahula sa 6-digit winning combination nito na 26-03-46-34-15-20.

Nasa ₱58,557,629.80 jackpot ang hindi tinamaan, ayon sa PCSO.

Inaasahan na ng PCSO na tataas pa ang premyo sa mga nasabing lotto games sa susunod na draw nito.