"Double meaning? Patama sa ex?"

Iyan ang karaniwang komento ng mga netizen sa latest Facebook post ni Trina Candaza, ang ex-partner ng aktor na si Carlo Aquino.

Bagama't ang tinutukoy ng nanay ni Mithi ay ang tungkol sa makapal na orders ng kaniyang paninda online, naniniwala ang mga netizen sa comment section na "cryptic post" din ito, lalo na't naka-all caps daw ang mga salitang "ANG KAPAL."

"ANG KAPAL! ✨ thank you sa mga nag-order, natataranta na kami pano ipapack yung 400 orders today," aniya.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Narito naman ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens.

"Sobrang KAPAL mi! Di na nahiya! Yang mga waybill."

"May IKAKAPAL PA SIYA! I mean yan po..more blessings!"

"parang double meaning yung 'ANG KAPAL'"

"sobrang kapal talaga" momsh..ng ex mo hahahaha"

"Sana Lalo pang kumapal Yang orders sainyo.. ibless kapa maam Trina, pro usapang makapal,sobrang kapal nung Pavictim na feeling bagets na ekis na"

"ang kapal ni carlo dba po? hahaha"

"Ang KAPAL tlga ni carlo 🤣🤣🤣 Godbless mis Trina Candaza & sa baby mo❤️"

Samantala, matatandaang kamakailan lamang ay naging usap-usapan ang hindi raw pagsipot ni Carlo sa birthday celebration ng kaniyang anak na si Mithi.

Lumabas naman sa mga ulat na idaraan daw sa legal na usapan ng aktor ang tungkol sa karapatan niyang makita at makasama ang anak.

Matatandaang naghiwalay ang mag-partner bandang 2021. Kinumpirma naman ito noong Abril 2022.

MAKI-BALITA: Carlo Aquino, kinumpirmang hiwalay na sila ni Trina Candaza

Ngayong 2023 ay may bago nang karelasyon si Carlo sa katauhan ng award-winning Kapamilya rising star na si Charlie Dizon.

MAKI-BALITA: CONFIRMED! Carlo Aquino, Charlie Dizon, nasa ‘dating’ stage na! 

Samantala, wala namang kumpirmasyon mula kay Trina kung double meaning nga ba ang kaniyang post, at kung tama ba ang mga sinasabi ng netizens kung kanino niya ito pinatatamaan.