“Isa sa mga layunin ng PhilSys ang financial inclusion, at magpapatuloy ang PSA sa pagsisikap na matupad ito. Hangad namin na mas marami pa sa ating mga kababayan ang makakita sa kahalagahan ng PhilSys at kung paano sila matutulungan nito,” ayon pa sa opisyal.
Idinagdag pa ng PSA, umabot na sa 38,099,592 PhilIDs ang naipamahagi habang nasa 41,620,918 ang naimprenta at nai-download na ePhilID hanggang nitong Agosto 25.