Hihigpitan na ng pamahalaan ang pagbabantay sa mga overloaded truck sa mga probinsya.

Ito ang pahayag ni Land Transportation Office (LTO) chief Vigor Mendoza II at sinabing bilang tugon ito sa direktiba ng Department of Transportation (DOTr), dagdag pa ang reklamo ng isang senador.

Aniya, matagal na itong problema, lalo na sa mga probinsya katulad na lamang sa Pampanga at Bulacan.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Sa tulong na rin ng Philippine National Police-Highway Patrol Group (PNP-HPG) at Department of Public Works and Highways (DPWH), magpapatupad ng mahigpit na inspeksyon ang LTO upang hindi makalusot ang mga overloaded truck.

Paliwanag ni Mendoza, mapanganib sa mga gumagamit ng kalsada ang mga overloaded na truck dahil sa idinudulot na aksidente.