Kinilig to the bones ang media people na dumalo sa press conference nina Gabby Concepcion at Megastar Sharon Cuneta para sa upcoming concert nilang "Dear Heart" na ginanap sa Okada Manila, nitong Biyernes, Setyembre 15.

Unang-una, wala sa hinagap ng lahat na posible pa pala silang magsama sa isang proyektong gaya nito.

Hanggang sa mediacon ay "magkahiwalay" pa rin sina Gabby at Shawie, dahil solo mediacon ang nangyari.

MAKI-BALITA: ‘Isang venue, hiwalay na mediacon!’ Gabby at Sharon muling nagkaharap

National

Gatchalian kay Guo: 'See you tomorrow, sana magsabi ka na ng totoo!'

Meaning, isang venue lang idinaos ang mediacon pero hindi sila pinagsama sa tanungan portion ng press. Nauna si Gabby sumalang at nang patapos na siya, saka naman dumating ang ex-wife.

Hiyawan sa kilig ang mga tao dahil sa bihirang pagkakataon ay muli nga namang nasilayan together sa isang entablado ang dalawa.

Kaya bago umalis si Gabby ay humirit pa ito kay Mega.

Nagpa-picture sila together, niyakap pa niya ito, at hinalikan sa pisngi.

Isa pa, tinawag niyang "Ms. Concepcion" ang dating kabiyak.

"Uy first time na nagkita, first time kong nahawakan ang kamay oh, first time. Sabi ko sa kanila kanina, pagkatapos ko dito aalis ako, baka hindi tayo magkita. Puwede ba tayo mag-hug bago ako umalis?" sey ni Gabby.

Bagay na pinagbigyan naman ni Shawie.

"Uulitin ko yung sinabi ko noon, ladies and gentlemen, on stage, Ms. Sharon... Concepcion noong araw 'to eh. Sharon... Sharon na lang. Pa-kiss ulit..."

Kita naman ang pagtawa lang ng Megastar sa mga hirit ni Gabby.

Sa kaniyang Instagram posts naman ay makikita ang ilang mga kuhang larawan nila nila ni Gabby mula naman sa iba't ibang netizens.

Anyway, nakakaloka dahil sold out na ang "super VIP ticket" sa concert ng dalawa na nagkakahalagang ₱18,500.