National

Apollo Quiboloy, naghain ng COC sa pagkasenador: ‘Dahil sa Diyos at Pilipinas’

Binalaan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang publiko laban sa nag-aalok ng ₱7,000 school allowance sa pamamagitan ng paggamit ng pekeng Facebook page ng ahensya.

"Ang DSWD School Assistance ay hindi opisyal na Facebook page ng DSWD at walang kaugnayan sa kagawaran. Ang naturang page ay gumagamit ng identidad ng DSWD nang walang pahintulot at nagpapakalat ng mga misleading content patungkol sa programa at serbisyo ng kagawaran," ayon sa social media post ng ahensya.

Nanawagan ang ahensya na kilatising mabuti at i-verify muna ang mga nababasa at huwag maniwala sa mga content na hindi nanggaling sa credible at reliable source nito.

"Sama-sama tayo sa paglaban sa mga maling impormasyon dahil sa DSWD, bawal ang fake news," dagdag pa ng ahensya.