6/55 Grand Lotto: Jackpot na ₱29.7M, 'di tinamaan
Hindi tinamaan ang ₱29.7 milyong jackpot sa 6/55 Grand Lotto draw nitong Sabado ng gabi.
Sinabi ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), walang nakahula sa 6-digit winning combination na 09-27-44-49-11-24.
Inaasahan ng PCSO na tumaas pa ang nasabing premyo sa susunod na draw.
Nitong Setyembre 4, isang taga-Laguna ang nanalo ng mahigit sa ₱111 milyon matapos mahulaan ang winning combination na 55-50-06-45-12-40.
Binobola ang Grand Lotto tuwing Lunes, Miyerkules at Sabado, ayon pa sa PCSO.