Inirekomenda na ng Bureau of Customs (BOC) na i-donate na lamang sa gobyerno ang ₱42 milyong halaga ng imported na bigas na nakumpiska sa Port of Zamboanga City kamakailan.

Sa idinaos na pulong balitaan sa Quezon City nitong Sabado, nilinaw ni BOC-Port of Zamboanga (BOC-POZ) chief Benny Lontok, ipinadala na niya ang rekomendasyon sa Central Office sa Manila at hihitayin na lamang ang tugon ng ahensya.

“Ang recommendation po although subject sa approval ng Commissioner and Secretary of Finance, ido-donate po yata sa government program – I don’t know po kung Kadiwa or sa DSWD (Department of Social Welfare and Development), pero iyon po ay pinag-uusapan pa,” ani Lontok.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Ang kanilang aksyon aniya ay alinsunod sa inilabas na Executive Order No. 39 ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na nagtatakda ng price ceiling sa bigas at go-signal na rin upang paigtingin pa ang kampanya ng ahensya laban sa mga smuggler at kumokontrol sa presyo nito.

Ang naturang milyun-milyong imported na bigas ay nasamsam ng BOC sa ikinasang pagsalakay sa isang bodeha sa Barangay San Jose Gusu, Zamboanga City nitong Mayo 19.