CANDELARIA, Quezon — Patay ang isang 31-anyos na tricycle driver nang pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang riding tandem suspects noong Huwebes ng hapon, Setyembre 14, sa Barangay San Andres, dito.

Sa ulat ng pulisya, kinilala ang biktima na si John Anthony Adelantar, residente ng Purok 1, Barangay Mangilag Sur ng bayang ding ito. Ang kanyang katawan ay natagpuan sa taniman ng mais na may mga tama ng baril.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Nabatid sa imbestigasyon na dakong 3:55 ng hapon, inihatid ng biktima ang kaniyang anak sa paaralan at saka namasada. Binuntutan umano ng suspek ang tricycle at pinagbabaril.

Ayon pa sa ulat, matapos pagbabarilin ang biktima, sumalpok ang tricycle ang isang bahay sa tabi ng kalye at nakatakbo patungo sa taniman ng mais kung saan pa siya hinabol ng suspek at muling pinagbabaril

Dalawa sa mga tindahan ang tinamaan ng ligaw na bala at walang namang nasaktan.

Sunod-sunod na putok ng baril ang narinig ng mga residente at nakaramdam umano sila ng takot.

Tumakas ang mga suspek sa hindi malamang direksyon.

Samantala, patuloy ang isinasagawang imbestigasyon para sa posibleng pagkakakilanlan at upang matukoy ang motibo sa pagpatay.