Inamin ni “Pop Rock Royalty” Yeng Constantino sa kaniyang panayam kay Ogie Diaz nitong Martes, Setyembre 12, na hindi pa umano siya handang magbuntis.

Ayon kay Yeng, natakot umano siya nang malaman niyang delay siya noong minsang nag-tour sila ng kaniyang asawang si Victor “Yan” Asuncion sa Cambodia.

“‘Yung sinasabi po ng ibang tao na parang pagka nalaman nila or naka-feel sila na parang buntis sila, parang sobrang na-eexcite sila. Sa akin po na-feel ko parang natakot ako,” sabi ni Yeng kay Ogie.

Lubos daw na pinagtakhan ni Yeng ang kaniyang naramdaman. Kaya sinubukan niyang alamin ang pinagmumulan ng takot na iyon.

‘Immortal love?’ Enrile at misis nagdiwang ng 67th wedding anniversary

“Ang aga ko po kasing nagtrabaho. Parang noong nag-asawa po ako, doon lang po ako nakaranas na talagang ma-enjoy ‘yung buhay that way.”

14 years old lang umano si Yeng nang magsimulang magtrabaho sa mga bar sa Marikina. Tumutugtog at kumakanta siya doon. Dahil sa kagustuhang makatulong sa pamilya, pinepeke umano niya ang kaniyang edad makapagtrabaho lang.

Matatandaang pumanaw ang ina ni Yeng noong Setyembre 2021. Wala namang nabanggit ang singer-songwriter sa dahilan ng pagkamatay nito.

MAKI-BALITA: Yeng Constantino, nagdadalamhati sa pagkamatay ng ina