Tampok sa Instagram post ni Yassi Pressman ang kaniyang larawan kasama ang former basketball player na si Carmelo Anthony o “Melo” nitong Lunes, Setyembre 11.

Sa isang video clip na ibinahagi ni Yassi, tila hirap umano siyang ikalma ang sarili nang maka-fist bump niya ang nasabing player.

“AHHHHH fan moment with Melo lol. watch me try to ‘stay calm’ sa last clip 🤣” saad ni Yassi sa caption ng kaniyang post.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Pero may patutsada ang ilang netizens dahil sa inasta ni Yassi kay Melo. Narito ang komento nila:

“Ganyan pala ang way para mapansin ng lalaki. Idol two sisters👏”

“Same na same sa sister tlaga., ang 🐛!”

“sisters with the same feather haha”

“panget nyong magkapatid"

Photo courtesy: Yassi Pressman's IG

Matatandaan na pinutakti kamakailan si Yassi dahil umano sa pangungunsinti niya sa kapatid na si Issa Pressman dahil sa panunulot ng huli kay James Reid na dating jowa ng kaibigan nilang si Nadine Lustre.

MAKI-BALITA: ‘Kunsintidor na ate?’ Yassi Pressman, may buwelta sa mga judgmental, pinutakti ng bashers

Kamakailan din ay kinumpirma nila ng kaniyang ex-partner na si Jon Semira ang tungkol sa kanilang hiwalayan.

MAKI-BALITA: ‘Walang third party!’ Jon Semira kinumpirmang hiwalay na sila ni Yassi Pressman

Na-link din siya sa kaniyang kaibigang si Camarines Sur Governor Luigi Villafurte subalit nilinaw niyang matagal na silang magkakilala, at kasalukuyan nilang mas kinikilala ang isa't isa.

MAKI-BALITA: Yassi may nilinaw sa ugnayan nila ni CamSur Gov. Villafuerte

Samantala, wala pang tugon o reaksiyon ang magkapatid na Pressman tungkol dito. Bukas ang Balita sa kanilang panig.