“Ang pakiusap po ng ibang imbestigador ay sa Monday na nila i-file 'yung ibang kaso —price manipulation, profiteering, and other crimes related to the onion price manipulation and smuggling crisis that we had for the past two months,” anang kalihim.
Matatandaang iniutos ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. nitong Hulyo na silipin ng National Bureau of Investigation (NBI) at DOJ ang pagpupuslit ng sibuyas at iba pang agricultural products.
Nagbanta na rin si Marcos laban sa mga smuggler na "bilang na ang araw" ng mga ito matapos silang sisihin sa pagtaas ng presyo at pagtatago ng agricultural products.