National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Hindi umano ineeskortan ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang mga Pinoy na nangingisda sa Scarborough Shoal sa kabila ng presensya ng China Coast Guard (CCG).

Ito ang isinapubliko ni New Masinloc Fisherman's Association president Leonardo Cuaresma sa panayam sa radyo nitong Miyerkules.

Aniya, kapag pumupunta ang kanilang grupo sa Scarborough Shoal, kilala rin bilang Panatag Shoal o Bajo de Masinloc, pumipirma lamang sila log book ng PCG sa Masinloc station.

"Pero ang totoo pa niyan, wala naman pong ume-escort sa amin para mangisda po kami doon sa lugar,” ani Cuaresma.

Aniya, noong 2016 pa ay sinasabi na ng PCG na ineeskortan nila ang mga mangingisda sa lugar pero hindi naman umano ito nangyayari.

Idinahilan umano sa kanila ng PCG na lalala lamang ang tensyon kapag nakita sila ng mga barko ng China sa lugar.