Inamin ng aktres na si Julia Montes sa isang one on one intimate conversation with Alden Richard na first time niya umanong maging proud sa kaniyang project kung saan niya kasama ang “Asia's Multimedia Star”.

Tinanong kasi ni Alden si Julia sa programang “Five Break-ups and a Romance: The Actors” kung ano ang naging insight ng aktres sa naging journey nila sa pagbuo ng kanilang upcoming project na handog ng GMA Pictures, Cornerstone Studios, at Myriad Entertainment.

"Lagi kong sinasabi na first time kong maging proud sa project," sabi ni Julia.

Pero paliwanag niya, masaya naman siya sa mga naging proyekto niya sa nakaraan.

National

FPRRD, posibleng kasuhan ng 'obstruction of justice' dahil kay Quiboloy

"Pero kasi may dilemma ako sa ganyan, e. May self-dilemma ako na parang nahihiya ako. Hindi dahil sa hindi ako proud sa project. But hindi ako proud sa sarili ko," pasubali ng aktres.

Dagdag pa niya, “but on this, parang first time kong ma-feel na excited akong makita nila ‘yung pinaghirapan ng grupo.”

Matatandaan na kamakailan lang ay inilabas na ang teaser ng kanilang nasabing upcoming project. Inamin din ni Julia sa Instagram live ni Alden Richard na kinabahan umano siya sa naging halikan nila sa pelikula.

MAKI-BALITA: Julia kumabog-dibdib sa ‘higupan’ nila ni Alden

MAKI-BALITA: Teaser ng pelikula nina Julia, Alden inilabas na