Nakaabang ngayong Tuesday draw ang milyon-milyong jackpot prizes sa tatlong lotto games ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Sa inilabas ng jackpot estimates ng PCSO, lumalabas na papalo sa ₱63 milyon ang premyo ng Ultra Lotto 6/58, ₱46 milyon naman ang Super Lotto 6/49, at ₱5.9 milyon sa Lotto 6/42.

Eleksyon

COC Filing DAY 5: Mga naghain ng kandidatura ngayong Oktubre 5

Nauna nang sinabi ng PCSO na sa halagang ₱20 ay maaari nang maging instant milyonaryo.

Binobola ang Ultra Lotto tuwing Martes, Biyernes, at Linggo habang tuwing Martes, Huwebes, at Linggo naman ang Super Lotto at ang regular Lotto naman ay tuwing Martes, Huwebes, at Sabado.