Niyanig ng magnitude 6.4 na lindol ang probinsya ng Cagayan nitong Martes ng gabi, Setyembre 12, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 7:03 ng gabi.

Namataan ang epicenter nito 26 kilometro ang layo sa hilagang-kanluran ng Dalupiri Island sa Calayan, Cagayan na may lalim na 10 kilometro.

Naramadaman ang Intensity IV sa Sinait, ILOCOS SUR.

Probinsya

15-anyos na dalagita, patay matapos umanong gahasain ng 13 lalaki

Naitala naman ang Instrumental Intensities sa mga sumusunod na lugar:

Intensity IV - Aparri, Gonzaga, CAGAYAN; Laoag City, ILOCOS NORTE

Intensity III - Penablanca, CAGAYAN; Sinait, Vigan City, ILOCOS SUR

Intensity II - Ilagan, ISABELA

Intensity I - Casiguran, AURORA; Candon, Narvacan, Tagudin, ILOCOS SUR

Pinag-iingat ng Phivolcs ang mga residente sa kalapit sa lugar sa posibleng aftershocks ng lindol, ngunit hindi naman umano inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.