
(Presidential Communications Office/FB)
Produksyon ng bigas, palalakasin pa! -- Marcos
Isa sa prayoridad ng pamahalaan na palakasin pa ang produksyon ng bigas upang lumaki ang kita ng mga magsasaka.
Ito ang binigyang-diin ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. nang dumalo sa paglulunsad ng 2023 Mariano Marcos State University (MMSU)- Philippine Rice Research Institute (PhilRice) Rice Paddy Art sa Batac City, Ilocos Norte nitong Lunes.
Nanawagan din ito na suportahan ang mga hakbang ng gobyerno para sa abot-kayang pagkain.
Kaugnay nito, nangako rin ang Pangulo na palawakin pa ang paggamit ng bagong teknolohiya upang matiyak ang matatag na suplay ng bigas sa bansa.