Magkakaroon na naman ng panibagong pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo sa Martes, Setyembre 12.

Sa abiso ng Shell, tataas ng ₱0.40 ang kada litro ng kanilang diesel habang ₱0.20 ang itataas sa presyo ng kada litro ng gasolina at kerosene.

National

KMP Chair Ramos sa Martial Law anniv: 'Nevel Again, Never Forget!'

Ang paggalaw sa presyo ng produktong petrolyo ay epektibo dakong 6:00 ng umaga.

Ipatutupad naman ng Clean Fuel ang taas-presyo sa gasolina at diesel dakong 4:00 ng hapon.

Inaasahan ang naturang hakbang bunsod na rin ng patuloy na pagbabawas ng suplay ng langis ng Saudi Arabia.