Pinaigting pa ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang anti-smoke belching campaign nito.

Sa datos ng MMDA, nasa 314 sasakyan sa National Capital Region (NCR) ang isinailalim sa roadside smoke emission test nitong Agosto.

Gayunman, 193 ang bumagsak sa naturang smoke emission test matapos matuklasang nagbubuga ng maitim na usok.

National

Paalala ng PWS para sa flu season: 'Do not kiss babies that aren't yours!'

Ang pinaigting na kampanya ng MMDA ay alinsunod sa Republic Act 8749 o Philippine Clean Air Act of 1999 kung saan ipinagbabawal na ibiyahe ang mga sasakyang nagbubuga ng maitim na usok.

Binigyang-diin pa ng MMDA, regular ang operasyon ng Anti-Smoke Belching Unit upang mapanatili ang malinis at ligtas na hangin sa Metro Manila.