Ibinahagi ni “Silent Superstar” Jodi Sta. Maria ang larawan ng kaniyang pusang si Naia na sumailalim umano sa surgery kamakailan.

“My little Naia recovering from surgery 🙏🏼” saad ni Jodi sa kaniyang “X” post.

Ayon pa sa aktres, hindi umano komportable si Naia sa e collar na nakalagay sa leeg nito.

“This e collar is making him uncomfortable but we have to keep the collar on til the next few days to prevent him from licking the surgery site and ensure proper wound healing 👍🏻”

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Nagbahagi naman ang follower ni Jodi ng larawan ng kanilang mga pusa kalakip ang mensahe ng pakikisimpatiya kay Naia:

“Ganyan din po kami nung mga nakaraang linggo sa jolly namin, 7 days na talagang binabantayan after nya kumain at uminom, we let him do the licking during after meal lang, pero kabit namin agad e collar nya kapag gusto na nyang i lick buong katawan nya”

“Same color with my baby Tatter miss @JodiStaMaria ❣️ pagaling ka naia”

“bought a pillow type collar for my cat when he had neck wound. It feels more comfortable I guess. Get well soon Naia! Meow meow 😽”

“My boy Diego hated the cone too when we had him neutered. So we replaced it with a plate. Serves the same purpose and he likes it. 😁 Feel better, Naia!”

Wala namang nabanggit si Jodi kung bakit isinailalim sa surgery si Naia.

Matatandaang napulot ni Jodi ang pusa sa airport noong Enero, kaya pinangalanan itong “Naia”.

MAKI-BALITA: Jodi Sta. Maria, ibinahagi ang kalagayan ngayon ng kuting na napulot sa NAIA

Si Jodi Sta. Maria ay kasalukuyang bumibida sa teleseryeng “Unbreak My Heart” bilang Rose Jacinto-Zhang kung saan kasama niya sina Joshua Garcia, Gabbi Garcia, Richard Yap, at iba pa, ang unang kolaborasyon sa teleserye ng ABS-CBN, GMA Network, at Viu Philippines.

https://twitter.com/JodiStaMaria/status/1700364107185283118