Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Pinayuhan na ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) ng Batangas ang mga residente sa paligid ng Bulkang Taal na magsuot ng N95 respirator mask laban sa ibinubugang vog o volcanic smog ng Taal.

Paliwanag ni PDRRMO chief, Dr. Amor Calayan, ang singaw mula sa tubig ng crater ng Taal ay nakakadagdag ng asupreng humahalo sa hangin.

“It is a normal scenario for an abnormal volcano like Taal Volcano,” anang opisyal.

“We remain in Code Blue, which means we are 24/7 on alert monitoring the volcano,” aniya. Gayunman, nananatili pa rin sa Level 1 ang alert status ng bulkan.

Sa pahayag naman ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), ang vog na isang uri ng polusyon sa hangin na dulot ng bulkan ay binubuo ng mga pinong patak na naglalaman ng volcanic gas katulad ng sulfur dioxide.K

Nagdudulot ito ng pagkairita sa mata, lalamunan at respiratory tract infection. Posible rin itong magpalala, depende sa tagal ng pagkakalantad ng pasyente.'

Apat na lugar na sa Batangas--Mataas na Kahoy, Balete, Talisay at Laurel--ang apektado ng vog. 

PNA