Intensyunal daw ang absence ng Kapamilya star na si Angel Locsin sa social media, ayon kay Ogie Diaz, nang talakayin nila nina Mama Loi at Dyosa Pockoh sa vlog na "Ogie Diaz Showbiz Update" ang matagal nang pananahimik ni Mrs. Arce, matapos ang halalan noong 2022 hanggang sa kasalukuyan.

Ang dami na raw kasing naghahanap kay Angel dahil wala talaga itong paramdam sa kaniyang social media platforms. Kung may mga napo-post man, ito ay puro throwback photos niya, at malamang, hindi siya ang gumagawa nito kundi isang social media manager.

Anyway, sinabi ni Ogie na walang dapat ipag-alala ang mga tagahanga at tagasuporta ni Angel dahil nasa bahay lamang daw ito.

"Si Angel Locsin po ay nasa bahay. Oo. At ineenjoy ni Angel Locsin ang kaniyang absence sa social media, ayaw na muna niyang mag-social media."

National

PBBM sa National Teacher's Day: 'I wish you a joyful and productive celebration'

"Sila pa rin ni Neil Arce," kumpirmasyon naman ni Ogie, para sa mga nag-iisip kung hiwalay na ba ang mag-asawa dahil hindi na rin pino-post ni Neil si Angel sa social media.

"Ineenjoy lang niya ang kaniyang maybahay kay Neil Arce."

"Ibinigay natin kay Angel Locsin 'yon. Iyon ang gusto niya eh," giit pa ng showbiz insider.

"Basta happy si Angel Locsin na siya ay maybahay at taong bahay."

Noong kabataan daw ng aktres ay talagang bugbog ito sa trabaho.

Kaya ang tanong, imbitado at pumunta kaya si Angel sa nagbabalik na ABS-CBN Ball at doon daw "magpasabog" at manggulat sa lahat?