Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Nasagip ng mga tauhan ng Philippine Navy (PN) ang 165 pasahero at tripulante ng isang passenger vessel nang magkaaberya sa binisidad ng East Bolod Island, Sulu nitong Sabado.

Sa Facebook post ng PN, kaagad nilang ipinadala sa lugar ang BRP Florencio Iñigo ng Naval Task Force matapos matanggap ang impormasyon hinggil sa insidente.

Kabilang sa nailigtas ang 18 bata at 52 matatanda.

Patungo na sana sa nasabing lungsod ang naturang passenger boat nang biglang pumalya ang makina nito.

Kaagad na hinala ang nasabing sasakyang-pandagat patungong Ensign Majini Pier sa Naval Station Romulo Espaldon, Zamboanga City.