Tila may pinariringgan ang ‘Unkabogable star’ Vice Ganda sa ‘Rampanalo’ segment ng It’s Showtime’ nitong Biyernes, Setyembre 8.

Bago buksan ang kahon na hawak ni Ion Perez, pinasayaw ni Vice ang kaniyang partner.

‘Unti-unti nang nawawala online?’ Email ni Rendon, burado na rin

“Heto na nanay, kahon na ng asawa ko. Heto na ang kahon ni Ion. Ion, pampasigla naman diyan, sayawan mo sila,” anang Unkabogable star.

“Ayan, ganyan! Ituloy natin ang pag-iibigan. Ituloy lang,” ani Vice matapos sumayaw si Ion. “Tuloy ang pag-iibigan walang makakapigil.”

“Ganon! Nakapag-mass report na ba lahat?” natatawang tanong ni Vice na nagpahalakhak sa audience. “Nakapag-mass report na ba lahat?”

Agad namang napag-usapan online ang naging pahayag na ito ni Vice Ganda. At nauugnay sa pagkabura ng social media accounts ni Rendon Labador.

Kaugnay na Balita: ‘Unti-unti nang nawawala online?’ Email ni Rendon, burado na rin