Binalaan ng Department of Education (DepEd) ang publiko hinggil sa isang pekeng memorandum na kumakalat ngayon online.

Paliwanag ng DepEd, may kinalaman ang naturang pekeng memo sa umano’y ‘2-week rest day’ na ipagkakaloob sa mga guro, para sa pagdiriwang ng ‘Teachers’ Day Month.’

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

“The Department of Education (DepEd) warns the public about a FAKE memorandum on ‘DepEd Memo re: Two Weeks of Rest Days in Celebration of Teachers’ Day Month’ circulating online,” abiso ng DepEd nitong Huwebes.

Ang naturang pekeng memo ay may petsang Setyembre 8, 2023 at nakasaad dito na ang mga guro ay pagkakalooban ng dalawang linggong araw ng pahinga bilang bahagi ng pagdiriwang sa Teachers’ Day Month at pagkilala sa papel ng mga guro sa paghubog ng kinabukasan ng bansa.