Binalaan ng Commission on Elections (Comelec) nitong Huwebes ang mga kandidato para sa 2023 Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) na ang pamimigay ng mga campaign paraphernalia na may halaga, ay maaari ring ikonsiderang vote-buying.
Partikular na tinukoy ni Comelec Spokesperson Rex Laudiangco ang naturang campaign paraphernalias na may halaga, gaya ng mga t-shirts, pamaypay, sumbrero, mga ballers fans, at iba pa.
“Any other kind of campaign paraphernalia katulad ng t-shirts, ball caps, baller bands, at iba pa… ‘yan po kasi ay maaaring ma-consider, dahil may halaga ito, na isang pamamaraan ng pamimili ng boto,” ani Laudiangco.
Ang mga botante aniyang tatanggap ng mga ito ay maaaring akusahan ng vote selling o pagbebenta ng boto.