Inanunsyo ni Cebu Gov. Gwendolyn Garcia nitong Biyernes, Setyembre 8, ang kaniyang pagsailalim sa sampung araw na leave para umano sa kaniyang pamilya.

Sa isang press conference sa SM Seaside City Cebu, sinabi ni Garcia na magiging epektibo ang kaniyang leave mula Setyembre 9 hanggang 19.

“I will be away for about 10 days. I will be missing work kay wa maanad ni akong lawas nga walay trabaho,” ani Garcia na inulat ng Sugbo News, ang opisyal na newsgroup ng Cebu Provincial Government.

“But I’m doing this, first of all, for my son. I haven’t had a break since 2019. Maybe it’s time for me to take a break...,” dagdag pa niya.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Sasamahan umano ng gobernador ang kaniyang anak na lalaban sa Ironman competition sa Italy.

Samantala, nilinaw ni Garcia na walang pondo ng Kapitolyo na gagamitin sa kaniyang personal trip.

Habang naka-leave ang gobernador, hahalili sa posisyon si Vice Gov. Hilario Davide III.