Nabawasan ang bilang ng mga walang trabaho sa Pilipinas nitong Hulyo, ayon sa pahayag ng Philippine Statistics Authority (PSA) nitong Biyernes.

Sinabi ni National Statistician, PSA chief Claire Dennis Mapa, ang bilang ng mga unemployed na may edad 15 pataas ay nasa 2.27 milyon na lamang, bahagyang bumaba kumpara sa naitalang 2.33 milyon nitong Hunyo at mas mababa kumpara sa 2.60 milyong walang trabaho sa kaparehong buwan noong 2022.

Sa kabila ng nabawasang bilang ng mga walang trabaho, nasa 44.63 milyon pa rin ang employed nitong Hulyo, mababa sa naitalang 48.84 milyon nitong Hunyo.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Nabawasan din ng 2.76 milyon ang employed mula sa dating 47.39 milyon noong Hunyo 2022.