Nasagip ng Philippine Coast Guard (PCG) ang walong pasahero at limang tripulante matapos masiraan ng makina ang sinasakyang barko sa Basilan nitong Huwebes.

Sa report ng PCG, natagpuan ng kanilang search and rescue team ang nasiraang MV SR Express 10 nautical miles o mahigit 18 kilometro mula sa Dasalan Island, Hadji Muhtamad nitong Setyembre 7.

Kaagad na iniligtas ng mga tauhan ng CG Sub-Station ang walong pasahero at limang crew ng barko.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Patungo na sana sa Pangutaran, Sulu ang barko mula sa Zamboanga City nitong madaling araw nang biglang pumalya ang kanilang makina.

Hinila na rin ng PCG ang barko patungong Brgy. Tausan, Pilas Island, Hadji Muhtamad.

Isinailalim na rin sa pagsusuri ang mga nasagip na pasahero at tripulante bago sila pauwiin, paliwanag pa ng Coast Guard.