Ipinamalita ng kontrobersiyal na social media personality na si Rendon Labador na burado na ang kaniyang Facebook account as of September 7, 2023.

Ibinahagi niya ang tungkol dito sa Instagram story ng kaniyang Instagram account. Nangyari lamang daw ito ng mismong 12:00 ng tanghali.

Photo courtesy: Rendon Labador's IG

Photo courtesy: Rendon Labador's IG

Matatandaang bago ang pagkabura ng kaniyang FB account na ginagamit niya sa paninita, nauna na munang nabura ang kaniyang TikTok account.

National

Suspek sa genocide na nililitis sa international court sa The Hague, patay na!

Kaya hamon niya sa Meta/Facebook at Instagram, baka nahiya pa raw silang burahin siya sa online world.

Sa tuluyang pagkawala ng kaniyang FB account ay humingi ng paumanhin si Rendon sa kaniyang mga tagasuporta.

MAKI-BALITA: TikTok burado, FB nanganganib; Rendon, ‘Baka Instagram, YouTube nahihiya pa kayo?’