Kahit burado na ang Facebook account ay patuloy sa paninita at pambabarda sa showbiz personalities si Rendon Labador, na muling binalikan si "FPJ's Batang Quiapo" director at lead star Coco Martin.

Nakarating sa kaalaman ni Rendon ang ulat ng isang pahayagan na umano'y wala raw permit ang shooting ng show ni Coco sa Bacolor, Pampanga, ayon umano kay Bacolor Mayor Diman Datu.

Ayon sa ulat ng pahayagan na ini-screenshot ni Labador at shinare sa kaniyang Instagram story, tatlong oras daw tumagal ang shooting sa Jose Abad Santos Avenue sa rush hour pa raw, kaya nagresulta ng matinding trapiko. Nagreklamo ang mga mananakay at motorista dahil dito.

Sa panayam daw ng pahayagan sa Bacolor mayor, inakala raw ng staff ng serye na sakop pa rin ng San Fernando, Pampanga ang kanilang pinagsho-shootingang lugar, na nasa Bacolor nga.

Metro

MANIBELA magkakasa ng libreng sakay sa Pasko at Bagong Taon

Sa halip daw na ipahinto kahit alam niyang mali ay hinayaan at pinatapos na lamang daw ng mayor ang shooting dahil nagsimula na rin naman sila at patapos na rin. Subalit sa susunod daw ay ayusin na lamang daw nila.

Inaalam pa kung totoo raw bang may permit ang shooting na kinuha naman sa San Fernando, Pampanga.

Photo courtesy: Rendon Labador's IG/Sunstar Pampanga

Photo courtesy: Rendon Labador's IG

Matatandaang nauna nang sinita ni Labador si Martin dahil sa pang-aabala raw nito sa Quiapo sa tuwing may shooting.

MAKI-BALITA: Rendon Labador, binanatan si Coco Martin, ‘Hindi ka batang Quiapo, isa kang anak ng tokwa’

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang pamunuan ng serye o ng ABS-CBN tungkol dito. Bukas ang Balita sa panig ng Batang Quiapo at Kapamilya Network.