Nagbalik-tanaw ang actress at vlogger na si Alex Gonzaga sa naging buhay nila noon ng kapatid niyang si Toni Gonzaga, noong wala pa raw social media.

Sa kaniyang Facebook nitong Lunes, Setyembre 5, makikita ang tila “before and after” na larawan nilang mag-ate.

“Looking at our old pictures and reminiscing the time na wala pa social media. These are your simple taytay girls using their dad’s film camera for selfie thinking they can have a shot in showbusiness. Hehe You can always glow up and live your dream ano man ang pinagsimulan mo. Love you ate and i am proud how we started as a family 🥰😁”

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

Kinaaliwan naman ng maraming netizen ang naging sagutan nina Luis Manzano at Alex sa comment section.

“Bakit walang wire braces mo? Bluetooth yarn ?” biro ni Luis.

Sagot naman ni Alex: “Tatlong buwan na ko di nabalik sa dentista nyan. Wag ka nakikialam”

Matatandaan na kilala ang dalawang magkaibigan sa mga pagbibiruan nila sa social media.