Inilabas na ng Star Creatives Television nitong Martes, Setyembre 5, ang teaser ng kauna-unahang primetime series ng tambalang Donny Pangilinan at Belle Mariano o mas kilala bilang “DonBelle”.

Tampok sa “Can’t Buy Me Love” ang karakter ni Caroline, isang dalaga na mula sa Chinese family, na gagampanan ni Belle. Samantala, si Bingo naman ang gagampanan ni Donny, isang karaniwang tao na nagsisikap iahon sa hirap ang mga mahal sa buhay.

Hindi na makapaghintay pa ang fans ng “DonBelle” na dumating ang buwan ng Oktubre para mapanood sa “Primetime Bida” ang nasabing programa.

“Yey! Finally! Can't wait for October!”

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

"Opoo hindi na tlga ako mkakapag hintay 😍😍😍"

"Excited much idol"

"grabeh cant wait na 😭😭😭😭❤️❤️❤️❤️❤️"

"Exciting, can't waittt 😭"

"Ganda!!!!! Grabeee!!!"

Matatandaan na ang “An Inconvenient Love” ang huling movie project ng DonBelle noong 2022. Nabuo ang nasabing love team noong una silang magsama 2021 web teen series na “He’s Into Her” na mapapanood sa Iwantv.